4/6/13

The Walking Dead: Pinoy Edition

Mula sa sikat na mga novels abroad, hit songs at pelikula, asahan mo na, laging may Pinoy edition yan. Sakit na yata natin na tuwing may sisikat na kung ano man sa ibang bansa, hindi puwedeng hindi tayo magkaroon ng sarili nating version nun.

Kaya naman, dito sa Pinay vs. Zombies, gagawa tayo ng Pinoy version ng pinakasikat na TV show sa buong mundo ngayon--ang The Walking Dead. 

10/21/12

Zombie Spotlight: Runners

Bago n'yo ko kuyugin sa galit at hinagpis kung bakit ngayon lang ako ulit nag-post ng bagong entry, kilalanin muna natin ang isang type ng zombie na maaring humabol sa 'yo pagsapit ng zombie apocalypse--ang mga Runners.


7/30/12

Zombie Attack Scenario: Bathroom


Ang Pilipinas ay isang tropical country. Ang weather natin ay limitado sa tag-init at tag-ulan. Minsan pa, kahit tag-ulan na at sabi ng uber-realiable PAG-ASA na babagyuhin tayo maghapon at magdamag--ayun si Haring-araw, feel na feel ang pag shine sa kalangitan. Walang paki kahit lahat ng kasingitngitan sa katawan natin eh binabaha na ng pawis! Tuloy, no choice tayo kundi magbabad sa banyo. Kakaligo at kakakuskos sa mga pawis na natuyo na naging lib--nevermind.

6/18/12

Zombie Attack Scenario: Office

Dahil walang pinipiling time ang zombie apocalypse, darating yan sa oras na hindi natin ine-expect lahat. Gulatan to the nth power ang peg! Parang diarrhea na aatake sa pinaka-atrasado at unexpected na sandali. Wala ka ng time mag-prepare o mag-retouch. 

'Yan ang silbi ng Zombie Attack Scenario Series sa blog na ito. Bibigyan kita ng sari-saring possible scenarios kung saan ka maaring abutan ng mga zombies in your neighborhood. Para naman kapag nagsidatingan ang mga surprise guests mo, hindi ka malulurkey ng bongga at tutunganga na lang sa sobrang pagka-shock sa presence nila. Bilang second installment sa series na ito, tatalakayin natin ang mga posibleng mangyari at maari mong gawin oras na maabutan ka ng zombie apocalypse habang busy'ng-busy ka sa pagta-type at pag-stapler ng mga papeles sa office nyo.

Image Source: myeducation.com