4/6/13

The Walking Dead: Pinoy Edition

Mula sa sikat na mga novels abroad, hit songs at pelikula, asahan mo na, laging may Pinoy edition yan. Sakit na yata natin na tuwing may sisikat na kung ano man sa ibang bansa, hindi puwedeng hindi tayo magkaroon ng sarili nating version nun.

Kaya naman, dito sa Pinay vs. Zombies, gagawa tayo ng Pinoy version ng pinakasikat na TV show sa buong mundo ngayon--ang The Walking Dead. 
Kung hindi mo alam ang The Walking Dead, problema mo na yan. GMG mo na lang o kaya naman ay umpisahan mo nang maghabol at mag-marathon sa panonood para maka-relate ka sa post na to. Anyway, kung magkakaroon man ng TWD Pinoy Edition, sila ang mga bet kong gumanap sa mga characters ng Walking Dead.


RICK GRIMES
Jestoni Alarcon as Rick Grimes

Ewan ko sa 'yo pero nung kabataan ni Jestoni, Rick na Rick talaga ang peg ng lolo mo. Wag ka lang masyado ma-distract sa nipples ni Jestoni at sure na makikita mo na magkahawig sila. Kung hindi ka pa din convinced, check the photos below.

Long back pa lang panalo na!

LORI GRIMES
Kim Chiu as Lori Grimes
Masyado pang bata si Kim for Jestoni pero di ba, buto pa lang ni Kim, Lori'ng Lori na? 

CARL GRIMES
Zaijian Jaranilla as Carl Grimes
Masyado nang na-typecast sa mga super mababait na roles si Zaijan. Maanong hayaan nating mag-enjoy ang bagets kakabaril sa mga zombies as Carl?

SHANE WALSH
Edu Manzano as Shane Walsh
Eto obvious naman. Parang pinagbiyak na arinola lang tong dalawang 'to. 

DARYL DIXON
Robin Padilla as Daryl Dixon
Para sa 'kin walang ibang Pinoy actor ang puwedeng gumanap na Daryl Dixon kundi si Papa Robin lang. Period. No erase!

GLENN RHEE
Ryang Bang or Herbert Bautista sa Glenn Rhee
Eto medyo hindi ako makapag-decide kasi pareho nilang kahawig si Glenn. Ano sa tingin nyo? Sino ang mas bet n'yong maging Glenn?

THEODORE DOUGLAS (T-DOG)
Larry "Pipoy" Silva as T-Dog
Sayang at wala na si Pipoy. Swak na swak sana sya sa role ni T-Dog. :(

Abangan ang part 2 ng post na ito. Next time Pinoy Carol, Andrea, Hershel at Merle naman ang ipi-feature natin. See you!

1 comment:

  1. kamukha ni timothy bradley si t-dog hehehe. tumatak sakin yung buto ni kim. yari ka don!

    ReplyDelete