10/21/12

Zombie Spotlight: Runners

Bago n'yo ko kuyugin sa galit at hinagpis kung bakit ngayon lang ako ulit nag-post ng bagong entry, kilalanin muna natin ang isang type ng zombie na maaring humabol sa 'yo pagsapit ng zombie apocalypse--ang mga Runners.



Kung akala mo pwede ka pa magpa-bandying bandying kahit sinakop na ng mga walkers ang buong baranggay nyo, better think twice, dahil hindi lang iisa ang tipo ng zombie sa mundo. May posibilidad na magkaroon din ng Runners--mga zombies na parang naka-Energizer na singtulin ng Tamiya on steroids kung tumakbo. Kung ang mga walkers ay parang naka-slow motion lagi ang mga galaw at super-dali kung maiwasan, sa mga runners na zombie, mas malaki ang tsansa mong ma-tegi dahil para silang mga asong ulol na basta ka na lang hahabulin ng walang dahilan. Ang pinagkaiba lang nila sa asong ulol, pag nakagat ka nila, hindi sa San Lazaro Hospital ang bagsak mo, kundi sa semento kasama ang ibang mga laman-loob mong pagpipiyestahan nila ng bonggang-bongga.

Kung pagbabasehan ang pelikulang 28 Weeks Later, mas mabagsik ang mga runners kumpara sa walkers. Parang mas advanced na strain ng zombie virus ang pinanggalingan nila kaya ganun na lang ang bilis nila manghabol sa mga laman-tiyan na katulad mo. Hindi sila madaling iwasan, pero hindi din naman dahilan iyon para mag-emote ka na ng bongga at magdasal ng 'Act Of Contrition' bilang kapatawaran sa mga kasalanan mo bago ka man lang ma-tegi. Tandaan, habang may buhay may pag-asa. Isipin mo na lang, kung iyon ngang mga nilalang na mas pangit pa sa yo gustung gustong mabuhay at lumaban para maranasan pa na magka-boyfriend, ikaw pa kaya? Mahiya ka sa kanila, 'teh!


Ngayon, paano ba maiiwasan o paano ka ba makaka-survive sa mga runners na zombie? Ang sagot, i-ready na ng husto ang mga paa at maglalaro na kayo ng habulan. Takbo lang ng bongga. Takbong walang lingunan. Isipin mo na lang pag lumingon ka magiging asin na bato ka o kaya naman gawin mong inspirasyon yung manliligaw mong mas malakas pa sa Hiroshima bomb ang putok at isipin mo na siya yung humahabol sayo at oras na maabutan ka niya, magiging kayo na. 

Kung hindi ka naman athletic at scrabble lang ang sports na alam mo post-zombie apocalypse, paganahin ang utak. Humanap agad ng pamatay zombie sa paligid. Wag mo munang pansinin ang tuhod at mga buto mong nanginginig sa takot. Pairalin ang presence of mind para madali mong matuhog sa brains ang runners na balak lumafang sa 'yo. Mas mabuti din kung magtatago ka na lang kesa ang lumaban ng solo sa mga runner na itey. Mas madaling ninyong malilipol ang mga runners sa paligid kung may kasama ka. Bayanihan of 'da pipol ang peg. 

Lagi lang tandaan na kahit anong klaseng zombie pa ang maka-engkwentro mo, pairalin lang ang lakas ng loob, determinasyong mabuhay at maging last Pinay standing sa panahon ng zombie apocalypse. Huwag mawawalan ng pag-asa. Di bale nang mawalan ng pagkain, signal, gwapong bading at internet sa mundo, basta matira lang ang matinding kagustuhan mong mabuhay, tiyak na mag-su-survive ka kapag zombie apocalypse na. 




Abangan next year ang bago kong post! (Joke lungs!)


X_X
Pux

No comments:

Post a Comment