7/30/12

Zombie Attack Scenario: Bathroom


Ang Pilipinas ay isang tropical country. Ang weather natin ay limitado sa tag-init at tag-ulan. Minsan pa, kahit tag-ulan na at sabi ng uber-realiable PAG-ASA na babagyuhin tayo maghapon at magdamag--ayun si Haring-araw, feel na feel ang pag shine sa kalangitan. Walang paki kahit lahat ng kasingitngitan sa katawan natin eh binabaha na ng pawis! Tuloy, no choice tayo kundi magbabad sa banyo. Kakaligo at kakakuskos sa mga pawis na natuyo na naging lib--nevermind.

Kung Pinay ka, alam mo kung gaano ka dapat magtagal sa banyo. Sa lahat yata ng lahi sa mundo, isa tayo sa mga ubod ng tagal na gumamit ng banyo. Kasehodang isang tabo ng tubig lang ang naigib mo para pampaligo, ang importante, matagal ka dapat maligo. Wala kang pake kahit WWIII na sa labas, mas importante ang oras na nakalaan mo sa pag-iisip ng lahat ng mga suliranin at alaala mo sa buhay habang naliligo ka. Nagpi-piket na sa labas ng banyo ang mga kasama mo sa bahay dahil sa tagal mo sa banyo pero ikaw nagsha-shampoo ka pa lang ng pang 1003th na hibla ng buhok mo.

Kaya naman, hindi na kataka-taka na sa loob ng banyo ka aabutan ng zombie apocalypse. Huwag mo nang itanong kung bakit dyan ka inabot dahil malamang karma mo yan. Karma mo yan dahil nagka-UTI na ang mga kasama mo sa bahay dahil hindi sila makaihi ng maayos dahil lagi kang nakabara sa banyo. Parusa din sa 'yo yan ng langit dahil nagka-buni at an-an na ang iba mong roommates dahil hindi na sila nakakapagbanlaw ng maayos dahil inuubos mo lagi ang tubig sa banyo at wala kang paki sa mga susunod pang maliligo sa 'yo.

Pero bago ka mag-emote at humingi ng kapatawaran sa heavens dahil sa kagagahan mo noon, kailangan mo munang paganahin ang utak mo dahil nasa labas na ang mga zombies. Wala silang paki kahit di ka pa nakakapagbanlaw o hindi mo pa nakukuskos ng maayos yung hinliit mo sa paa. Once na mabuksan nila ang pinto ng banyo nyo, dedz ka na. O kaya naman, mapupunta sa wala ang paliligo mo dahil gagawin ka lang palang merienda ng mga zombies sa inyo.

Kung gusto mong mabuhay, follow these 5 tips on how to survive a zombie attack in the bathroom.

1. MAGDAMIT ULIT. Huwag ka nang mag-inarte. Kung dala mo sa loob ng banyo ang pamalit mong damit sana pagkaligo mo, swerte mo. Isuot mo na yan. Pero kung wala kang damit at tanging tuwalya lang ang dala mo sa loob pati yung mga hinubad mong damit, lunukin mo na lahat ng kaartehan mo sa katawan at isuot mo na yan agad. Oo, alam ko na dirty na yan at kaliligo mo lang. Mamili ka, tatakbo ka sa kalye na mukhang lukaret dahil nakatapis ka lang o tatakbo ka na dirty ang suot pero matino naman ang anyo mo? Di bale sana kung ubod ka ng dyosa at magmumukhang eksena lang ng 'Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa' ang pagtatatakbo mo sa kalye na nakatapis lang tuwalya. Kung hindi ka naman kagandahan, mahiya ka sa sarili mo at maawa ka sa ibang tao na gusto pang mabuhay dahil baka pag nakita ka nila na nagtatatakbo sa labas na tuwalya lang ang suot eh mas lalo silang mawalan ng ganang mabuhay!

2. HARANGAN ANG PINTO. Obvious ba, 'teh? Kung kinakalampag na ng zombies ang pinto sa banyo, ibig sabihin balak ka na nilang lafangin. Hindi sila naiihi o napupupu, gaga! I-lock mo na ng bongga ang pinto at iharang na ang lahat ng pwede mong iharang para hindi mabuksan yan ng mga zombies. Hilahin mo na lahat ng pwede mong hilahin para maiharang sa pinto--balde, gallon, tabo, shampoo, conditioner, batong panghilod, loofah, sabon--LAHAT!

3. CHECK THE WINDOWS. May bintana ba ang banyo nyo? Kung meron, kumanta ka na ng 'Hallelujah' dahil yan na ang iyong ticket para mabuhay. Siguraduhin mo lang na kasya ka at walang zombie'ng nakaabang sa 'yo paglabas mo dun kundi wala ding saysay ang pag-gymnastics mo para magkasya at makalabas ka sa banyo. Kung may balat ka naman sa pwet at walang bintana ang banyo nyo o may sariling buhay na ang mga taba mo sa katawan kaya di ka na kasya sa bintana, proceed to tip #4.

4. LOOK FOR POSSIBLE WEAPONS. Paganahin ang utak lalo na ang mga mata. Kung lagi kang pinapagalitan ng nanay mo dahil hindi ka daw marunong gumamit ng mga mata mo, heto na ang chance mo to make your mama proud. Maghanap ng posibleng armas laban sa zombies. Shower rod, tabo, balde, takip ng toilet bowl, pati pambomba ng inidoro gamitin mo na! Tandaan na hindi ka mamamatay sa germs, pero sa zombies--OO!

5. KEEP CALM AND CARRY ON. Bago ka sumugod palabas at lumaban sa mga zombies, siguraduhin mo muna na kalmado ka para mas madali kang makapag-isip ng bonggang escape plan habang lumalaban sa mga zombies. Tandaan na hindi mo sila kayang tsugihin lahat kaya wag ka nang magpaka-FPJ o Jackie Chan sa pagsugpo sa kanila. Ang main mission mo (should you choose to accept it) ay ang makatakas at makalayo sa mga zombies na itey. Gamitin mong mabuti ang zombie weapons na nakalap mo sa banyo para mailayo mo ang mga mababaho at nagugutom nilang mga bibig sa yo oras na lumabas ka ng banyo.

Ayan, ngayon hindi ka na siguro matatakot kung abutan ka man ng zombie apocalypse sa banyo. Lagi mo lang isipin na ang presence of mind mo ang magiging ultimate weapon mo para mag-survive sa zombie apocalypse kahit na abutan ka pa man nito na naglalabas ng sama ng loob sa banyo.


Stay alive, sisterettes!


x_x
Pux

No comments:

Post a Comment