6/18/12

Zombie Attack Scenario: Office

Dahil walang pinipiling time ang zombie apocalypse, darating yan sa oras na hindi natin ine-expect lahat. Gulatan to the nth power ang peg! Parang diarrhea na aatake sa pinaka-atrasado at unexpected na sandali. Wala ka ng time mag-prepare o mag-retouch. 

'Yan ang silbi ng Zombie Attack Scenario Series sa blog na ito. Bibigyan kita ng sari-saring possible scenarios kung saan ka maaring abutan ng mga zombies in your neighborhood. Para naman kapag nagsidatingan ang mga surprise guests mo, hindi ka malulurkey ng bongga at tutunganga na lang sa sobrang pagka-shock sa presence nila. Bilang second installment sa series na ito, tatalakayin natin ang mga posibleng mangyari at maari mong gawin oras na maabutan ka ng zombie apocalypse habang busy'ng-busy ka sa pagta-type at pag-stapler ng mga papeles sa office nyo.

Image Source: myeducation.com


Malamang, yung mga nagta-trabaho sa opisina ang mga male-late sa tsismis na laganap na ang zombie outbreak sa labas. Kasalanan yan ng epal nyong boss na bnlock sa office nyo ang Facebook, Twitter at ipinagbawal ang paggamit ng cellphone sa floor nyo. Kahit Pinoy na Pinoy kayong lahat sa office nyo, ginawa kayong Chinese ng walanghiya nyong boss dahil sa pagba-block ng access sa mga social networking sites na makakapag-update sana sa inyo sa mga kaganapan sa 'outside world' kahit nasa trabaho kayo. Pero bago nyo sugurin ang tinamaan ng kulog at kidlat nyong boss para sisihin sya, unahin mo munang isipin kung paano kayo magsu-survive ng mga ka-officemates mo.


Heto ang 10 tips kung paano kayo magsu-survive sa office nyo ng mga officemates mo.

1. DON'T PANIC. Golden rule yan sa lahat ng zombie attack scenarios. Kahit saan ka abutan ng zombie apocalypse, bawal na bawal ang mag-panic. Kailangang clear ang mind mo para mabilis kang makapag-isip at makapag-decide ng mga gagawin mo para makapag-survive. Malamang din mega-panic na ang mga kasama mo lalo na yung isang ka-officemate mo na suki ng coffee vending machine sa floor nyo.

2. LOOK OUTSIDE. Check mo ang surroundings ng office nyo sa bintana. May zombies na ba? Naka-formation na ba sa labas ang mga undead at hinihintay na mag-out kayo para lafangin kayong lahat? Kung clear pa ang paligid sa labas, good. PERO wag na wag mong iisipin na porke't clear pa ang area sa paligid ng office nyo eh pwede na kayong magtumbling palabas para makatakas. In the event of a zombie apocalypse, there are dangers everywhere. Malay mo kaya pala wala kang nakikitang zombies sa labas kasi nasa loob na sila ng building nyo. Hala!

3. CLOSE THE DOOR. Swerte ka kung hindi sosyal ang office mo na puro salamin ang pinto. Hello? Glass = Nababasag. Isang sugod lang ng zombie sa salamin na pinto eh invasion na ang drama ng mga zombies sa floor nyo. Kung old school ang office nyo na bonggang concrete na dingding at kahoy ang pinto, locktsina na agad yan para hindi na kayo mapasok ng zombies. Kung maarteng salamin naman ang pinto ng office nyo, isara pa din at humanap ng mga inner offices na pwede nyong pagtaguan pansamantala ng mga kasama mo. 

4. GATHER EVERYONE. Alam ko suplada ka bago ang zombie apocalypse. Pero sa ganitong pagkakataon, wag ka munang magkulong sa cubicle mo at mag-'All By Myself' na emote dahil kailangan mo ang mga kasama mo para mag-survive. Kung wala pang nagli-lider-lideran sa mga kasama mo, eto na moment mo, 'teh. Sabihin sa lahat na mag-formation at hands forward raise. Choz! Kailangan nyong magsama-sama muna to make sure na kumpleto pa kayo at wala pang nagiging zombie sa isa sa inyo. Wag kayong kumalat na parang mga binulabog na langgam. 'United we stand, divided we fall.' Mas madaling lumaban kung magkakasama kayo kesa yung kanya-kanyang warla ang peg. Bigyan ng kanya-kanyang roles ang mga kasama mo. Magandang way din ito para hindi sila masyadong kabahan at mas mag-focus sa isang task kesa ang mabaliw kakaisip na mate-tegi na sila o lalafangin na sila ng zombies anu mang sandali.

5. REMOVE UNNECESSARY CLOTHES. Hindi ko sinabing mag-burles ka, bruha. Malamang kasi naka-uniform ka kung sa office ka nagta-trabaho. May blazer-blazer chuva ka pa sigurado. Alisin mo na yan dahil mahihirapan lang gumalaw. Pero kung keri lang ang blazer mo at takot kang i-expose ang kili-kiling may madilim na sikreto, sige lang. Hayaan mo na. Sa pang-ibaba naman, kung naka-slacks ka, swerte mo. Madali kang makakagalaw at takbo kung kinakailangan. Kung naka-skirt ka naman, make necessary adjustments sa skirt mo para di ka mahirapang gumalaw in case bigla kang habulin o atake-hin ng zombies. Wag ka nang matakot na magmukha kang eng-eng sa anyo ng skirt mo. Di na yan mapapansin ng mga laitera sa office nyo dahil busy na sila sa pakikipaglaban sa zombies para mabuhay. 

6. LOOK FOR POSSIBLE ZOMBIE WEAPONS IN YOUR OFFICE. Kahit balak nyong magtago habang buhay sa office nyo at hintayin na lumipas ang zombie apocalypse, kailangan nyo pa din ng mga gamit na panlaban sa mga zombies. Wag na kayong umasa sa mga pulis o sa mga brgy. tanod para iligtas kayo. Ang survival nyo ay nasa inyong mga kamay kaya defend your life as if your life depended on it! Choz! Darating at darating ang panahon na mase-sense ng mga zombies na nagtatago kayo sa 11th floor o mapapadpad sila sa office nyo. Kaya hangga't maaga, humanap na ng mga bagay na pwede nyong gamitin panlaban sa mga zombie. 

7. PLAN AN ESCAPE ROUTE. Obviously, hindi kayo pwedeng magpatubo ng ugat sa office nyo. Kailangang may plan B kayo in case matuklasan ng mga zombies ang kinaroroonan nyo. Mag-meeting ng bongga at gumawa ng plano kung paano kayo makakatakas. 

8. GATHER FOOD. Siyempre habang buhay ka pa, kailangan mong kumain. Kailangan mong magpalakas para naman pag lumaban ka sa zombies hindi ka lelembot-lembot. Madalas naman sa office may source kayo ng tubig o mga snacks sa vending machine. Kung walang pagkain sa floor nyo, wag munang mag-panic. Pwede pa kayong maghanap ng pagkain sa ibang floors o sa canteen/cafeteria ng building nyo. Just make sure na mag-iingat kayo sa pag-e-explore sa building nyo dahil baka may mga zombies na nakaantabay sa paligid. Kapag nakakakita naman kayo ng pagkain, tipirin at mag-ration. Hindi nyo alam kung hanggang kailan kayo nakatambay sa office. Isang paraan din yan para maiwasan ang conflict pagdating sa pagkain. Tandaan na mas mabangis ang mga taong gutom at praning sa zombies kapag naaagrabyado sa pagkain. 

9. SLEEP AND REST. Isa sa mga advantage pag madami kang kasama eh may chance kayo na mag-shifting sa responsibilities sa isa't isa. Pwede nyong i-divide ang grupo nyo ng mga officemates nyo para magbantay at matulog. Kahit mahirap matulog o magpahinga, gawin mo kasi kailangan mo 'yan. Mahirap mag-defend ng buhay kung puyat at pagod ka, 'teh. 

10. BUILD A FORTRESS. Ang kainaman sa isang office setting, madami kang gamit na pwedeng gamitin para ma-fortify ang 'base' o 'hideout' nyo. Madaming lamesa, cubicle walls o cabinets na pwede nyong iharang sa mga possible entry points ng mga zombies. Kung balak nyong magtago at maghybernate sa office nyo hangga't hindi pa kayo nakakaiisip ng magandang plan kung paano kayo tatakas sa mga zombies, make sure na safe at bongga ang defense panel ng hideout nyo. Wag makuntento masyado sa locks dahil isang pulutong ng zombie lang ang kailangan para mawasak yan. Kailangan ng sandamakmak na harang ng mga mabibigat na bagay para hindi yan bumigay. Gamitin ang pagiging organized nyo sa opisina pre-zombie apocalypse at tiyak na mag-su-survive kayo ng mga officemates mo.


Goodluck sa office!

x_x
Pux

No comments:

Post a Comment