6/12/12

Anatomy of a Zombie

Ayan na sila. 

Kumakalampag sa pinto ng bahay nyo. Sumisilip-silip sa mga bintana. Hinahanap ka na nila. 

Hindi sila ang mga inaanak mo, loka! Malayo pa ang Pasko. Zombies sila. Zombies na balak gawing buffet ang buong katawan mo. Ke bata ka pa o matanda, may ipin o wala--wala silang pinipili. Sila lang yata ang mga nilalang na walang discrimination sa katawan. Pantay-pantay ang tingin nila sa buong sanlibutan. Lamang-tyan ang tingin nila sa 'tin. Instant gratification sa gutom na walang lunas na nararamdaman nila mula nang maging zombie sila. 

Walang busog-busog sa mga nilalang na ito. Kaya nilang kumain nang hindi natatakot na magkakabilbil sila. Malakas sila at kaya nilang durugin ang balat mo sa pamamagitan ng mga kamay nila. Imagine-in mo na lang na kasing lakas nila yung putok ng karpintero ng kapit-bahay nyo na nagpagawa ng bahay nila nung kelan lang. Ganung levels ang lakas nila. Kaya matakot ka na. 


Pero bago ka mapraning ng husto, kailangan mo munang malaman kung ano ba ang tunay na anyo ng isang zombie. Mahirap na. Baka mamaya sa sobrang kapraningan at kagagahan mo, tao na pala kinakatay mo kasi akala mo zombie sya. Ayaw mo naman ma-dyaryo na ang headline, eh, ganito: "Babaeng Baliw, Kulong Matapos Warla-hin Ang Delivery Man ng Jollibee!"

So, to give you a better idea on what a real zombie looks like, ganito sila. 

www.shirtoid.com

Wag kang tumawa at pilosopa. Hindi sila cartoons! Parang tao lang na hindi na tao ang takbo ng pag-iisip dahil dedz na ang lahat ng human functions nila sa katawan. In reality, ganito talaga ang anyo nila. 


Front view

Side view
Oh, di ba? Ka-windang, noh? Kahit si Cynthia Luster ka pa, isang ganyan lang ang katapat ng lahat ng tapang mo at siguradong magiging Jelly Ace na agad ang mga tuhod mo. Kaya nga nandito ang Pinay vs Zombies para ma-educate ka at malaman mo ng maaga ang kung ano ang kakalabanin mo pagdating ng zombie apocalypse. Sabi nga ni Ka Ernie, 'Knowledge is poweeeeeeeeeeerrrrrrrrrrrr!'

So paano mo ba madi-distinguish ang mga zombies sa mga tao sa panahon ng zombie apocalypse? Bago ka mag-ala Rambo sa kakabaril sa mga zombies, make sure na walang totoong tao na madadamay sa pinaggagagawa mo. Ayaw mo naman maka-tsugi ng tao, di ba? Bad yun. Magagalit si Lord. Susunugin ang kaluluwa mo sa impyerno habang pinagtatawanan ka ng mga demonyo dahil ang tanga tanga mo. 

Ayon sa Wikipedia:
'A zombie (Haitian Creole: zonbi; North Mbundu: nzumbe) is an animated corpse brought back to life by mystical means, such as witchcraft. The term is often figuratively applied to describe a hypnotized person bereft of consciousness and self-awareness, yet ambulant and able to respond to surrounding stimuli.'

In tagalog, ang mga zombies ay mga patay na nabuhay. Tegi na sila pero biglang nag-alive alive forevermore ulit dahil sa zombie virus. Yun nga lang, pag nabuhay sila ulit, hindi na sila katulad ng dati na may matinong(?) pag-iisip. Wala na silang logic o reasoning. Walang kunsensya. Parang mga trapo sa gobyerno pero imbes na pera ng taong-bayan ang gustong swapangin, laman ng tao ang type nila. 

Sa unang tingin, mapuputla ang mga zombies. Haler, natural di ba? Tegi na nga sila so malamang wala nang dugong dumadaloy sa katawan nila. Kakaiba ang amoy nila. Mas masangsang sa amoy ng hininga ng ex-boyfriend mo na b-in-reak mo nang ma-realize mong bad breath sya. Siguro multiply by 10,000 ang level ng kabahuan dahil nga naagnas-agnas na ang katawan nila. Madalas din may mga sugat sugat sa katawan yan. Kasi bago sila maging zombie, nakagat muna sila ng iba pang zombies. Hindi na sila nagsasalita at di ka na nila kilala kahit kaano-ano ka pa nila. Para silang mga friends mo pag walang kailangan sa 'yo. Di ka na knows. Madungis din sila at may mga pagkakataon na gula-gulanit ang damit. Kebs sila dyan. Remember, wala na silang reasoning o hiya sa katawan. Wala silang pake kung ano man ang suot nila dahil zombies na sila. Wa sila care kung matawag silang baduy, overdressed o under-dressed.

Pero eto, tingnan muna natin ang usual people in your neighborhood para malaman natin kung zombie ba sila.


Taong grasa to, teh! Mukha lang zombie pero hindi!

Wag ka namang judgemental, gaga! Kahit na halos magkatulad ang profile ng mga taong grasa sa mga zombies, hindi sila zombies. Malalaman mo yan agad dahil ang taong grasa usually loners yan. Wag mo lang pagtripan at hahabulin ka talaga nyan! Isa pa, ang mga taong grasa pag binigyan mo ng pagkain, tatanggapin nila at kakainin. Ang zombies, hindi. Kamay mo ang kakainin nila!


Typical tambay having fun with his tambay friends. Not a zombie!

Alam ko matagal ka nang inis sa tambay sa kanto nyo na laging pumipito tuwing dadaan ka pero hindi pa din sapat na dahilan yun para warla-hin mo siya dahil akala mo zombie na sya. Hangga't pinipituhan ka pa nyan sa tuwing dumadaan ka, tao pa yan. Pero once na hinabol ka na nyan na kasamang growling effect at duguan na ang mga bibig, ayan tumakbo ka na. Hindi ka na crush nyan, merienda na ang tingin nyan sa 'yo.


The Jejemons! Sorry, 'teh. Wait muna natin na maging zombies sila bago natin sila i-exterminate lahat!

Alam ko sila yung mga numero-unong walang pakialam kahit na mga mukha silang tanga sa mga posing at porma nila. Pero masakit man sa kalooban kong sabihin, hindi pa din natin sila pwedeng lipulin hangga't di pa sila nagiging zombies. Tao pa din sila hangga't nagagawa pa nila ang kanilang usual Jeje hand signs. Baka din mapagkamalan mo silang zombies dahil madalas sa hindi, isang pulutong sila kung maglakad sa kalsada o tumambay sa eskinita. Usually naka-crouch pa na pabilog na kala mo nagpupulong kung anong kulay ang isusuot nilang t-shirt lahat bukas. Don't worry, mare. Marunong ang God. Darating din ang time nila.




Eto na! 100%, teh! ZOMBIE ITEY!!! Walang duda! Pak na pak! Swak na swak! Pasok sa banga! Winner sa Ms. Zombie Universe! Ihanda mo na ang mga binti at tumakbo ka na! Kapag naabutan ka naman, dagitin mo na ang kahit anong nasa tabi mo para magamit na armas. Ilabas mo na ang iyong isandaang porsyento at lumaban na ng bongga dahil hindi ka titigilan nyan hangga't di nya nauubos ang lahat-lahat sa katawang tao mo. Ipunin mo na ang lahat ng galit mo sa mundo at ilabas sa pakikipaglaban sa mga zombies na 'to. 

Ayan, alam mo na kung ano ang anyo ng zombies ha. Siguro naman sapat na ang lesson na itey para ma-distinguish mo kung zombies na ba o hindi ang mga people in your neighborhood. 

Next post, we will talk about the different types of zombies na maaring lumafang sa 'yo.


Mabuhay ka Pinay--literal!

x_x
Pux

2 comments:

  1. sumakit tiyan ko sa kakatawa! pati asawa ko napahinto sa pagtatrabaho nung narinig ako tumawa. ayun binabasa niya ngayon.

    keep it up!

    ReplyDelete