6/12/12

Zombie Spotlight: Walker

The Zombie Spotlight series will feature popular types of zombies known to man. For our first Zombie Spotlight feature, pag-usapan natin ang pinaka-common type ng zombie na kadalasan nating napapanood sa zombie movies at TV shows--the Walker.



Kung nanonood ka ng The Walking Dead, I'm sure pamilyar ka na sa Walkers. Walkers ang tawag sa mga zombies na, well, naglalakad lang. Parang naka-slow motion lang lagi ang peg ng mga zombies na itey. Di sila masyadong nagmamadali sa buhay, err... Kumbaga, chill lang itong mga ito--wag lang makakakita ng living, breathing at yummy na taong katulad mo. (Kapag sinabi kong yummy, literal na yummy. Hindi yummy na gorgeous kaya wag kang kiligin, bruha!)

Katulad ng ibang zombies, sound-driven din ang mga Walkers. Konting kaluskos, pupuntahan ka na nila. Kaya imbes na magmaganda ka pa sa suot mong Manolo Blahnik heels, hubarin mo na yan dahil maingay yan pag tumatakbo ka! Feeling mo nasa Sex In The City ka?!

Wag na wag kang mag-iingay lalo na pag nagtatago ka na. Isipin mo na lang na may naglilista ng noisy. Bawal ang maingay. Wag mo din iisipin na porke't mabagal ang Walkers eh hindi ka na nila aabutan kaya kekembot kembot ka pa sa paglalakad. Bakla, madami nang nategi sa maling akala. Wag mo nang antayin na maging isa ka sa mga casualty bago ka maniwala.

Kung tututuusin, madali lang matakasan ang mga Walkers. Presence of mind lang talaga ang kailangan mo at matinding paghahangad na mabuhay. Para naman lalo kang ma-inspire na mabuhay, isipin mo na lang na kapag naabutan ka ng Walkers na yan:
                                    
                                    a. matsutsugi ka 
                                    b. magiging zombie ka din na katulad nila

Walang available option na 'none of the above' kapag hinahabol ka na ng zombies kaya takbo, Pinay, takbo!


x_x
Pux

No comments:

Post a Comment