6/11/12

I'm A Pinay Living in A Zombie World

They're everywhere. 

You may not know it yet but zombies are now all around you. They're in the movies, TV shows, the internet, your cellphone, your boyfriend's t-shirt, your neighbor's arm in the form of a memorial tattoo gone bad, your niece' lunchbox, your call center buddy, sa cake ng kapatid mo, etc. etc. 



Before real, hardcore zombies could physically rule this planet, we are all unaware that we've been under their power for quite a while now. Unknowingly, we have succumbed to them wholeheartedly. In fact, kahit di natin aminin, we felt a small pang of disappointment when we found out that the Miami face-eating guy was not a zombie after all. Kainis! 

But seriously, what are our chances of surviving a zombie apocalypse? Keri kaya nating mga Pinay na mag-survive sa ganitong klaseng ganap? Feeling mo ba sapat na ang self-pedicuring skills mo para malampasan mo ang ganitong klaseng kalamidad? Bilang Pinay na sandamakmak ang kamag-anak sa buong Pilipinas na kahit kanuno-nunuan mong pinsan eh ka-close mo, paano mo haharapin ang pinsan mo sa talampakan na zombie na pala at balak ka nang gawing midnight snack? Kaya mo ba syang tsugihin nang hindi natatakot na sesermunan ka ng nanay at tatay mo? Paano mo tatakasan ang isang pulutong ng zombies na naghahabol sa yo na kasing determinado ng mga makukulit na card collectors ng defaulted credit cards mo? 

What is the essence of a Filipina in a zombie apocalypse? Hindi pa tinatanong yan sa Bb. Pilipinas pero kapag dumating ang panahon na gumagala-gala na sa mundong ibabaw ang mga undead na itey, dapat ready na tayong mga Pinay sa paglaban sa mga 'mumu' na ito para tayo ay mag-survive. Itago muna natin ang pagiging Maria Clara (may ganito pa ba ngayon?) o ang pagiging Esperanza (dahil hindi ka aapihin ng zombies, day. Lalafangin ka!) at ilabas na ang itinatago nating Gabriela Silang at Claudine Baretto sa loob ng ating mga pagkatao! Warla kung warla laban sa mga zombies!

Anyway, hindi mahalaga kung wala kang background sa pakikipag-warla o sobrang mahinhin ka (typical Pinay) dahil nandito ang blog na itey para i-guide ka sa pakikipaglaban sa mga tinamaan ng zombie virus na itey. 

Just keep in mind na ang lahat ng guide na mababasa mo dito ay i-a-apply lang kapag nauso na ang zombie apocalypse. Bawal po itong i-apply sa buong sangkatauhan dahil kulong ang aabutin mo at lagot ka din kay Miriam Quiambao! 

x_x
Pux

No comments:

Post a Comment